12:16 AM
0
 Mahal daw ng “LUV U” teen star na si Igi Boy Flores ang comedy, ngunit gusto rin daw niya sumabak sa drama upang mas maging flexible na aktor.

“Bilang artista, gusto ko rin po maranasan na mabigyan ng iba’t-ibang klase ng roles para rin po mag-grow ako sa propesyon ko. Pero syempre, hindi ko naman po iiwan ang comedy kasi ito po ang nagdala sa akin sa kung ano ako ngayon at love ko po talagang magpatawa,” ani Igi.

Nang tanungin naman kung kamusta ang tamabalan nila ni Kiray Celis sa “LUV U”, aniya “Okay naman po, parang aso’t pusa. Pero sa totoong buhay best of friends kami.”

Pinatunayan naman ito ni Kiray nang sabihin niyang si Igi raw ay hindi tulad ng ibang lalaking ka-edad nila. “Sobrang bait. Kung sa show sya yung loko-loko, sa totoong buhay sya yung pinaka-behave,” ani Kiray.

Ipapakita ni Igi ang soft side niya sa “LUV U” ngayong Linggo (February 24) kung saan sasabihin niya ang totoo kay Whitney (Kiray) at Camille (Miles Ocampo) nang tanungin siya kung ano ba talaga ang inililihim nina JB (Marco Gumabao) at Boom (CJ Navato).

Magustuhan kaya nina Camille at Whitney ang malalaman? Alamin sa “LUV U” ngayong Linggo pagkatapos ng “ASAP 18” sa ABS-CBN.

Share

0 comments:

Disclaimer

For more information, follow us on Twitter - @KapamilyaOne or like us on Facebook - Team Kapamilya.

All images used are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted.

All visual content is copyright to its respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us and they will be promptly removed.

Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's owners do not make warranty as to the correctness or reliability of its content. This site is not responsible for content of external internet websites that this blog may inadvertently linked to and is not responsible for the availability of such third-party websites. The content of such third-party websites is beyond our control.

The Believers!