1:22 AM
0
 Hitik sa powerful performances ang hatid sa TV viewers ngayong Linggo (Pebrero 24) ng no.1 Sunday musical variety show ng bansa na "ASAP 18," kung saan tampok ang engrandeng selebrasyon ng 30th showbiz anniversary ng Divine Diva na si ZsaZsa Padilla; at ang show-stopping birthday bash ng Concert Sweetheart na si Anne Curtis.

Sa pagpapatuloy ng month-long celebration ng 18th anniversary ng programa, ibibida ng “ASAP 18” sa TV viewers ang natatanging husay ng Pinoy sa larangan ng musika sa grand launch ng official soundtrack ng top-rating primetime kilig-seryeng “Kahit Konting Pagtingin” na pangungunahan nina Angeline Quinto at Sam Milby; at sa pagpapamalas ng special kilig powers ng Kapamilya teen sensation na si Daniel Padilla na aawit ng isa sa mga song finalists ng “Himig Handog P-Pop Love Song 2013.”

Full force din sa paghataw ang ASAP Kapamilya sa inihandang showdown ng Supahdance royalties na sina Maja Salvador at Shaina Magdayao sa ASAP Rewind ng "Rated R” segment; na susundan ng ika-8 anibersaryo ng ASAP dance group na G-Force.

Back-to-back na pasiklaban ng talento naman ang matutunghayan sa ASAP centerstage dahil sa espesyal na dance number ng Kapamilya teen stars na sina Ella Cruz, Paul Salas, Jerome Ponce, Jane Oineza, Claire Ruiz, Kit Thompson, Sofia Andres, at Khalil Ramos; at sa pagsasama-sama ng cute na cute na Kapamilya child wonders na sina Bugoy CariƱo, Izzy Canillo, Clarence Delgado, at Zaijian Jaranilla bilang kiddie version ng Kanto Boys.

Samantala, saksihan ang world-class concert experience na ihahandog nina Martin Nievera, Vina Morales, Kuh Ledesma, Erik Santos, Jed Madela, ASAP Pinoy Champs, at ng ASAP Sessionistas.

Huwag din palampasin ang powerful dance extravaganza ng Kapamilya leading ladies na sina Cristine Reyes, Jessy Mendiola, at KC Concepcion; at ang pinakamalulupit na performances nina Kim Chiu, Maja Salvador, Enrique Gil, John Prats, Rayver Cruz, Iya Villania, Gab Valenciano, at Jericho Rosales sa "ASAP 18" Supahdance.

I-todo ang singing at dancing powers ngayong Linggo at maki-celebrate na sa 2012 PMPC Best Musical Variety Show na “ASAP 18” 12:15 ng hapon sa ABS-CBN. Para sa updates, pictures at tsansang maka-hang out nang live ang stars ng ASAP Chill-Out, bumisita lamang sa  http://asap.abs-cbn.com/, i-‘like’ang http://facebook.com/asapofficial, sundan ang @ASAPOFFICIAL sa Twitter at makibalita sa latest happenings sa “ASAP 18” sa pamamagitan ng pag-tweet ng hashtag na #ASAPPower.

Share

0 comments:

Disclaimer

For more information, follow us on Twitter - @KapamilyaOne or like us on Facebook - Team Kapamilya.

All images used are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted.

All visual content is copyright to its respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us and they will be promptly removed.

Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's owners do not make warranty as to the correctness or reliability of its content. This site is not responsible for content of external internet websites that this blog may inadvertently linked to and is not responsible for the availability of such third-party websites. The content of such third-party websites is beyond our control.

The Believers!