7:56 AM
0

Magsisimula na ngayong Pebrero 4 (Lunes) ang isa sa pinakamalalaking Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN ngayong 2013 na tiyak na magpapainit sa gabi ng buong sambayanan, ang "Apoy Sa Dagat" na katatampukan ng mga karakter na sina Serena (Angelica Panganiban), Ruben (Piolo Pascual), Anton (Diether Ocampo), at Rebecca (Angelica Panganiban).

Kwento ng nag-uumapaw na pag-ibig, malaking sakripisyo at matinding panlilinlang, ang "Apoy Sa Dagat" ay sesentro sa buhay ni Serena, isang dalagang napadpad sa isang isla at lumaki nang walang kahit anong naaalala tungkol sa kanyang tunay na pagkatao. Dahil sa kawalan ng pamilyang masasandalan, natagpuan ni Serena ang isang matibay na sandigan sa katauhan ni Ruben na kalauna’y bibihag sa kanyang puso.

Sa panahong akala nila ay wala nang hahadlang sa kanilang pag-iibigan, isang aksidente ang sususbok sa tatag nina Serena at Ruben. Anong kayang gawin ni Serena upang maisalba ang buhay ng lalaking pinakamamahal niya? Ano ang magiging kaugnayan ng mayamang negosyanteng si Anton sa buhay ni Serena? At ang pinakamalaking tanong sa lahat—sino nga ba si Rebecca sa buhay nina Ruben, Anton at Serena?

Bukod kina Angelica, Diether, at Piolo, bahagi rin ng cast ng de-kalibreng primetime teleserye sina Angel Aquino, Aiko Melendez, Sylvia Sanchez, Perla Bautista, Liza Lorena, Freddie Webb, Melai Cantiveros, Eric Fructuoso, Regine Angeles, Bryan Santos, at Mikaila Ramirez. May special participation sa serye sina Nikki Gil, Empress, at Patrick Garcia. Ang "Apoy sa Dagat" ay sa ilalim ng direksyon nina FM Reyes at Nick Olanka.

Simula Pebrero 4 (Lunes), mapapaso ang buong bayan sa panlilinlang ng isang mukha na nagtataglay ng dalawang katauhan sa “Apoy Sa Dagat,” gabi-gabi, sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o i-follow ang @abscbndotcom sa Twitter.

Share

0 comments:

Disclaimer

For more information, follow us on Twitter - @KapamilyaOne or like us on Facebook - Team Kapamilya.

All images used are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted.

All visual content is copyright to its respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us and they will be promptly removed.

Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's owners do not make warranty as to the correctness or reliability of its content. This site is not responsible for content of external internet websites that this blog may inadvertently linked to and is not responsible for the availability of such third-party websites. The content of such third-party websites is beyond our control.

The Believers!