12:43 AM
0
Nagsilbing panira ng relasyon si Karen Reyes sa role niya sa “LUV U” noong nakaraang Linggo dahil sa pag-halik niya kay JB na ginagampanan ng teen heartthrob na si Marco Gumabao.

Dahil sa galing ng pag-arte niya dito, marami ang nagtatanong kung nangyari na nga ba kay Karen ang ganitong sitwasyon. Agad namang pinabulaanan ito ng dalaga.

“Naku hindi ko po magagawang mamagitan sa dalawang taong nagmamahalan. Hindi po ako yung tulad ng mga desperadong tao na maninira ng relasyon para magka-boyfriend. Marami pong lalaki diyan,” ani ng dalaga.

Sa “LUV U” kasi ngayong Linggo, makikipagbreak si Camille (Miles Ocampo) kay JB dahil sa nakitang kiss mark sa pisngi ng nobyo pagkatapos nito makawala sa pagkakakulong sa stock room kasama si Ayen (Karen).  Sa kabilang dako naman, kung nagkakalabuan sina Camille at JB, kabaligtaran naman ang nangyayari kina Rocky (Igi Boy Flores) at Whitney (Kiray Celis). Unti-unti na yatang nahuhulog ang loob ni Whitney kay Rocky dahil sa nakakakilig na pagpapakita niya ng halaga dito.

Magkabalikan pa kaya sina JB at Camille? Alamin sa “LUV U” ngayong Linggo (November 18) pagkatapos ng “ASAP 2012” sa ABS-CBN.

Share

0 comments:

Disclaimer

For more information, follow us on Twitter - @KapamilyaOne or like us on Facebook - Team Kapamilya.

All images used are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted.

All visual content is copyright to its respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us and they will be promptly removed.

Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's owners do not make warranty as to the correctness or reliability of its content. This site is not responsible for content of external internet websites that this blog may inadvertently linked to and is not responsible for the availability of such third-party websites. The content of such third-party websites is beyond our control.

The Believers!