9:40 AM
1
Inamin ng Kapamilya tween mermaid na si Ella Cruz na masayang-masaya siya sa naging unang date nila ng bagong ka-love team niya sa “Aryana” na si Francis Magundayao sa katatapos lamang na Star Magic Ball 2012.


“Ang saya po talaga ng first Star Magic Ball experience ko,” pahayag ni Ella. “Dahil po sa date namin na 'yun ni Francis, mas naging close pa po kami sa isa’t isa.”

Nang tanungin kung nagtampo o nagselos ba kay Francis ang dalawa pa niyang ka-love team sa fantaserye na sina Paul Salas at Dom Roque, ikinlaro ni Ella na okay lang naman daw ito sa kanyang “Aryana” co-stars. Aniya, “Naintindihan naman po ‘yun nina Dom at Paul. Si Francis rin po kasi ‘yung ka-partner ko sa cotillion kaya po nag-decide ako na siya na lang din po ang gagawin kong ka-date sa ball.”

Bagama’t patuloy na nali-link si Ella sa kanyang tatlong leading men, nilinaw ng Kapamilya primetime princess na wala pa sa isip niya ang magpaligaw at magka-boyfriend. “Ang payo po nila mommy sa akin ay huwag daw po akong magmamadali dahil marami pa daw po akong pwedeng marating at maabot sa buhay ko,” sabi ni Ella.

“Darating din naman po ang right time para sa ganoong bagay. Kaya sa ngayon po, sa pag-aaral at career po muna ako naka-focus at hindi sa love,” ani Ella. “Kaya po gusto kong ipayo sa mga kabataang tulad ko na we should always prioritize our studies and reach for our dreams first before love."

Samantala, tulad ni Ella, tiyak na matutuwa din ang mga masusugid na tagasubaybay ng fantaseryeng “Aryana” ngayong magku-krus na ang landas nina Aryana (Ella) at Adrian (Francis). Ano nga ba ang pagbabago na dadalhin ni Adrian sa buhay nina Aryana, Marlon (Paul) at Hubert (Dom)?

Huwag palampasin ang magical ‘tail’ ni “Aryana,” gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN, bago mag “TV Patrol.”

Share

1 comments:

Anonymous said...

ang babata pa nila pero lovelife kaagad ang ginawa nyong isyu sa kanila.

can you be more responsible by writing more positive news about them like how they perform in school while working and their plans for the future at hindi lovelife, kaya tuloy pabata ng pabata now ang naglaladian.

Disclaimer

For more information, follow us on Twitter - @KapamilyaOne or like us on Facebook - Team Kapamilya.

All images used are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted.

All visual content is copyright to its respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us and they will be promptly removed.

Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's owners do not make warranty as to the correctness or reliability of its content. This site is not responsible for content of external internet websites that this blog may inadvertently linked to and is not responsible for the availability of such third-party websites. The content of such third-party websites is beyond our control.

The Believers!