8:02 AM
0
Bilang tugon sa walang patid na request ng mga manonood, ang no. 1 daytime TV program sa bansa na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap ay mapapanood na rin tuwing Sabado sa pamamagitan ng "Be Careful With My Heart Rewind" na eere na simula ngayong Setyembre 15, bago mag-"It's Showtime."


Magsisimula sa pilot episode ng hit 'kilig-serye' ang "Be Careful With My Heart Rewind" kung saan matutunghayan ng lahat kung paano nagsimula ang unique love story nila Yaya Maya (Jodi) at Mr. Lim (Richard).

"Ngayon lamang po ito nangyari na may replay ang isang programa tuwing Sabado," ani Jodi. "Para po ito sa mga tao na hindi po nakakapanuod ng 'Be Careful With My Heart' every morning dahil po sa busy sila sa kanilang mga trabaho at eskwela. Hangad po naming pati sila ay mabahagian po namin ng saya at good vibes."

Bukod sa historical TV event na "Be Careful With My Heart Rewind," isa pang special treat and handog ng show para sa kanilang fans na mas nai-in love sa kwento ni Maya at ng kanyang Sir Chief dahil sa musikang ipinatutugtog sa bawat episode. Ngayong Setyembre ay ire-release na ang nine-track official soundtrack album ng programa.

Ayon kay Richard, espesyal ang album hindi lang para sa kanilang fans kundi maging para sa kanila mismo ni Jodi. "Pareho lang kami ni Jodi na mahilig sa music at kumanta, pero hindi naman namin naging ambisyon na maging recording artist," kuwento ni Richard. "Special ito sa amin dahil bukod sa unang album namin ito, pinagsikapan talaga namin na maging maganda ang kalalabasan nito dahil gusto namin na pag binili ng tao masaya din sila. Gusto namin na sabihin nila na maganda ang mga kanta at pagkanta hindi lang dahil kami ang kumanta dun."

Dagdag naman ni Jodi na may dalawang solo tracks sa album, makaka-relate ang loyal viewers nila sa mga kantang bahagi ng official soundtrack dahil ito ang theme songs ng show. "Sa tuwing makikinig sila sa album ay maaalala nila ang mga kilig moments nila Sir Chief at Maya," ani Jodi.

Ang tracklist ng "Be Careful With My Heart Album" ang mga sumusunod na awitin: 'Be Careful With My Heart' at 'When You Say Nothing At All' na kapwa duet nina Jodi at Richard; 'Kaba' at 'Torete' na inawit ni Jodi; 'When You Say Nothing At All,' 'The Way You Look Tonight,' at 'Sorry Na, Pwede Ba?' ni Richard; 'I'll Be There' ni Aiza Seguerra; at bonus track ng 'Be Careful With My Heart' na version nina Juris at Sam Milby.

Huwag palampasin ang paglulunsad ng dalawang higanteng sorpresa ng no.1 daytime TV program ng bansa--"Be Careful With My Heart Rewind" na magsisimula na sa Sabado (Setyembre 15) bago mag-"It's Showtime," at "Be Careful With My Heart Album" na malapit nang mabili sa record bars nationwide.

Patuloy na kumapit sa pinakapinag-uusapang nakakikilig at nakatutuwang no.1 daytime TV program sa buong bansa, "Be Careful With My Heart," araw-araw, 10:45am, bago mag-"It's Showtime," sa Primetanghali ng ABS-CBN.

Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @becarefulheart sa Twitter; at i-'like' ang official Facebook fanpage ng show sa www.facebook.com/becarefulwithmyheartofficial.

Share

0 comments:

Disclaimer

For more information, follow us on Twitter - @KapamilyaOne or like us on Facebook - Team Kapamilya.

All images used are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted.

All visual content is copyright to its respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us and they will be promptly removed.

Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's owners do not make warranty as to the correctness or reliability of its content. This site is not responsible for content of external internet websites that this blog may inadvertently linked to and is not responsible for the availability of such third-party websites. The content of such third-party websites is beyond our control.

The Believers!