6:58 AM
0
Nagwagi ng special prize ang "Maalaala Mo Kaya" sa katatapos lamang na 7th Seoul International Drama Awards. Pinarangalan ang longest-running drama anthology ng Asya para sa ‘Kamao’ episode (na may international title na "Remembering: Fist") nitong pinagbidahan ng multi-awarded actor Coco Martin.


Ayon kay “MMK” business unit head Malou Santos, ang bagong pagkilala mula sa Seoul International Drama Awards ay isang karangalang inaalay nila sa lahat ng mga Pilipinong naging malaking bahagi ng dalawang dekada ng programa.

"Ang tagumpay na ito ay ibinabahagi naming sa mga Pilipinong patuloy kaming pinapahanga sa kanilang mga kwento ng pag-asa at katatagan,” ani Malou. “Isa rin itong pagpupugay hindi lamang sa natatanging husay ng mga tao sa likod ng ‘MMK,' kundi maging sa dangal at tibay ng loob ng mga karaniwang tao na higit pumupukaw sa aming puso."

Sa pangunguna ng highly acclaimed director na si Dado Lumibao, ang “MMK: Kamao” episode ay halaw sa totoong kuwentong ni Ramon (Coco), isang underground boxer na lumaki sa pambubugbog ng magulang. Ngunit nang makapagdesisyonan na si Ramon na talikuran ang boksing, sinubok siya ng kapalaran at kalauna'y napilitang gumawa ng mga krimen na ikinamuhi ng kanyang pamilya. Kasama ni Coco sa nasabing episode sina Jodi Sta. Maria, Philip Nolasco, BJ Forbes, Celine Lim, Veyda Innoval, Michael Roy Jornales, Carlos Morales, Levi Ignacio, Andrei Garcia, Aleck Bovick, at Mike Lloren. Ito ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Alex Martin at isnulat ni Benson Logronio,

Ang internationally-acclaimed “MMK: Kamao” episode ay muling ipalalabas ng ABS-CBN ngayong Sabado (Setyembre 1) pagkatapos ng "Wansapanataym."


Samantala, isa pang de-kalibreng episode ng “MMK” ang kinilala ng isang sikat na international award-giving body. Hinirang bilang finalist ang "MMK: T-Shirt" episode, na tinampukan ng dating child actress na si Sharlene San Pedro, sa Television Special Jury Prizes category ng Asia-Pacific Broadcasting Union (ABU) Prize. Gaganapi ang finals ng ABU Prize sa Seoul sa Oktubre 16.

Ang “MMK: T-Shirt” ay nakaaantig na kuwento ni Gigi (Sharlene), isang batang paulit-ulit na ginahasa ng kanyang amo na kalaunan ay hinarap ang mga pagsubok ng pagiging isang batang ina. Ang nasabing episode ay napiling makipagtunggali sa limang iba pang entry mula sa Bhutan, Vietnam, Indonesia, Mongolia, at Sri Lanka. Ang mga finalist sa 2012 ABU Prize ay pinili mula sa 166 entries sa 18 bansa at 25 organisasyon.

Kasama ni Sharlene sa “MMK: T-Shirt” episode sina Dante Rivero, Justin Cuyugan, Cherry Lou, Joy So, Chienna Roseph Filomeno, at Edrilyn Ocampo, mula sa pananaliksik ni Akeem del Rosario, panulat ni Marie Ann Dimaculangan-Fampulme, at direksyon ni Don Cuaresma.

Huwag palampasin ang “Maalaala Mo Kaya” (MMK) tuwing Sabado ng gabi, pagkatapos ng “Wansapanataym.” Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang www.facebook.com/MMKOfficial.

Share

0 comments:

Disclaimer

For more information, follow us on Twitter - @KapamilyaOne or like us on Facebook - Team Kapamilya.

All images used are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted.

All visual content is copyright to its respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us and they will be promptly removed.

Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's owners do not make warranty as to the correctness or reliability of its content. This site is not responsible for content of external internet websites that this blog may inadvertently linked to and is not responsible for the availability of such third-party websites. The content of such third-party websites is beyond our control.

The Believers!