12:45 AM
0
Blessing kung ituring ng sexy Kapamilya actress na si Bangs Garcia ang role niyang si Mia sa consistent no.1 afternoon drama sa buong bansa na “Kung Ako’y Iiwan Mo.”


Ayon kay Bangs, na bahagi rin ng latest barkada movie ng Star Cinema na “The Reunion,” hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala sa malaking tagumpay na natamo ng kanilang panghapong teleserye sa ABS-CBN. “Nakita po namin ‘yung gradual na pagtaas ng ratings ng show pero mas masarap sa pakiramdam kapag nalalaman namin kung gaano na ka-attach ‘yung audience sa kuwento, kasama na po ‘yung Pinoy viewers abroad na nakaka-relate sa mga pinagdadaanan ng characters,” ani Bangs.

Habang marami ang nakikiiyak sa masasaklap na pinagdaraanan ng role ni Shaina Magdayao na si Sarah, hindi rin pahuhuli ang fans na sinusundan ang bawat laban ng bida-kontrabidang karakter ni Bangs na si Mia, ang ex-girlfriend ni Paul (Jake Cuenca) na kalaunan ay naging kabit nito.

“Dahil kay Mia napapakita ko ang versatility ko bilang aktres. ‘Yung karakter kasi niya, hindi basta-basta,” pahayag ni Bangs. “Napapakita ko ‘yung different sides ko—mabait, nagpapaawa, minsan masama, at minsan naman psychotic. Very challenging talaga siya!”

Masayang-masaya naman si Bangs na mature na ang TV viewers pagdating sa mga teleseryeng napapanood nila. Paliwanag ng aktres, “Natutuwa ako dahil open-minded na ang audience ngayon kasi nahihiwalay na nila ang karakter ko bilang si Mia mula sa totoong si Bangs Garcia. Masaya akong nakikita kong apektado ‘yung viewers sa kamalditahan ko sa show kasi ibig sabihin effective ang acting ko.”

Patuloy na saksihan ang lalo pang gumagandang mga tagpo sa no.1 afternoon drama sa Pilipinas, "Kung Ako'y Iiwan Mo" pagkatapos ng “Angelito: Ang Bagong Yugto” sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Para sa karagdagang updates, bisitahin ang ABS-CBN Social Media Newsroom (SMN) sa www.abscbnpr.com para sa updates, photos, videos, interviews, at presscon podcasts. Sundan ang @ABSCBNpr sa Twitter at i-'like' ang ABS-CBN SMN sa http://facebook.com/abscbnpr.

Share

0 comments:

Disclaimer

For more information, follow us on Twitter - @KapamilyaOne or like us on Facebook - Team Kapamilya.

All images used are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted.

All visual content is copyright to its respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us and they will be promptly removed.

Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's owners do not make warranty as to the correctness or reliability of its content. This site is not responsible for content of external internet websites that this blog may inadvertently linked to and is not responsible for the availability of such third-party websites. The content of such third-party websites is beyond our control.

The Believers!