2:05 AM
0
Susuriin ni Tony Velasquez ang tumataas na bilang ng mga naitatalang krimen sa bansa at aalamin ang mga paraang ipinapanukala ng iba’t ibang grupo upang kontrahin ito ngayong Huwebes (Agosto 23) sa “Krusada.”


“Habang dumarami pa ang mga insidenteng ng krimen sa bansa, tila lumalala rin ang mga uri nito. Tumatapang at pabata nang pabata ang mga salarin. Senyales na ba ito ng nabubulok na moralidad ng ating lipunan? May magagawa pa ba ang mga disenteng mamamayan para protektahan ang kanilang sarili?” sabi ni Tony.

Sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino noong nakaraang buwan, ipinagmalaki niyang bumaba ang crime rate ng bansa ngunit ang tinukoy na datos sa kanyang talumpati ay para sa taong 2011 at hindi para sa 2012.

Sa kabila nito, aminado pa rin ang Malacanang na sa halip na mabawasan, lalo pang tumaas ang insidente ng krimen sa kalakhang Maynila ngayong taon. Sa katunayan, 43% lamang ng mga kasong ito ang nareresolba.

Bunga ng nakakaalarmang datos na ito, tatalakayin ni Tony ang mga paraang iminumungkahi ng mga eskperto sa seguridad at non-government organization na Citizens Crime Watch para mabawasan at madaling masolusyunan ang mga krimen. Epektibo ba ang mga ito sa pananaw ng mga naging biktima ng pagnanakaw, carnapping, at iba pang krimen?

May maaasahan pa nga ba ang mga mamamayan sa kapulisan o kanya-kanya na lang nilang poproteksyunan ang kanilang sarili?
Dahil ang tunay na paninindigan ay hindi puro salita lamang, manood ng “Krusada” ngayong Huwebes (Agosto 23) pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN o sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), 9:15 p.m. Para sa updates ng programa, sundan ang @krusadaTV sa Twitter o i-like ang www.facebook.com/Krusada. Para naman mapanood ang nakaraang tatlong episodes ng “Krusada,” bisitahin lamang ang www.abs-cbnnews.com/krusada.

Share

0 comments:

Disclaimer

For more information, follow us on Twitter - @KapamilyaOne or like us on Facebook - Team Kapamilya.

All images used are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted.

All visual content is copyright to its respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us and they will be promptly removed.

Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's owners do not make warranty as to the correctness or reliability of its content. This site is not responsible for content of external internet websites that this blog may inadvertently linked to and is not responsible for the availability of such third-party websites. The content of such third-party websites is beyond our control.

The Believers!