2:06 AM
0

Muling magkakasama sa iisang stage ang “ASAP 2012” co-stars na sina Sarah Geronimo at Enchong Dee ngayong Linggo (Agosto 12) sa “Sarah G. Live!” Si Enchong, na isa sa mga bida ng pinakaabangang ultimate barkada movie of the year na “The Reunion,” ang special guest co-host ng Popstar sa kanyang solo musical variety show.

Bukod kay Enchong, abangan din sa “SGL” ang collaboration ni Sarah at ng OPM legend na si Freddie Aguilar kasama ang bandang Watawat; at ang makapigil-hiningang smash up dance number ng “Pinoy Big Brother Teen Edition 4” love teams na sina Myrtle at Yves, at Ryan at Karen. Samantala, tiyak na hahagikgik ang TV viewers sa pagbisita ng mga komedyanteng sina K Brosas, Cacai Bautista, Mahal, at Ate Gay.

Kasama pa rin ni Sarah ngayong Linggo ang resident dance royalty na si Gab Valenciano, co-host na si Luis Manzano, musical director Louie Ocampo, choreographer Georcelle Dapat-Sy, G-Force, at director Erick Salud.

Huwag palampasin ang trending at top-rating Sunday primetime show ng ABS-CBN, "Sarah G. Live," 8:15pm, pagkatapos ng "Rated K." Para sa karagdagang updates, mag-log on sawww.abs-cbn.com o sundan ang @SGLiveOFFICIAL sa Twitter at SarahGLiveOFFICIAL sa Facebook.

Share

0 comments:

Disclaimer

For more information, follow us on Twitter - @KapamilyaOne or like us on Facebook - Team Kapamilya.

All images used are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted.

All visual content is copyright to its respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us and they will be promptly removed.

Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's owners do not make warranty as to the correctness or reliability of its content. This site is not responsible for content of external internet websites that this blog may inadvertently linked to and is not responsible for the availability of such third-party websites. The content of such third-party websites is beyond our control.

The Believers!