10:32 AM
0
Babalikan at bubusiin ni Julius Babao ang mga kaganapan sa pagkamatay ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo ngayong Lunes (Aug 27) sa “XXX.”


Ilang eksperto ang nakausap ng programa para magbigay ng kanilang opinion kaugnay sa trahedya. Bibigyang pugay din ng “XXX” ang isang kawani ng gobyerno na minsan ng naging kaagapay nito sa pagsulong ng serbisyo publiko.

Habang inaalam ni Julius ang kasagutan, bubuweltahan naman ni Anthony Taberna ang isang green pease factor sa Malabon na nagpakawala na naman ng nakasusulasok na amoy at dumi sa lugar. Ito na ang ikalawang pagkakataong ginawa ito ng pabrika walong buwan matapos makuha ang una nilang babala mula sa awtoridad. Ngayon, nanganganib na mapasara ito ng tuluyan.

Samantala, kukumustahin naman ni Pinky Webb si Lolo Romulo, isang matanda may cancer na ng sinagip ng “XXX” noong Hunyo. Isang buwan matapos siyang tulungan ng programa ay sinasabing lumubha pa ang kanyan karamdaman kaya naman mas maraming pagsusuri at panggagamot ang kailangan gawin sa kanya. Kumusta na kaya siya ngayon?

Tunghayan ang buong ulat sa “XXX” ngayong Lunes (Aug 27) pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN, o sa panoorin ng mas maaga sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26) ng 9:15 p.m.

Share

0 comments:

Disclaimer

For more information, follow us on Twitter - @KapamilyaOne or like us on Facebook - Team Kapamilya.

All images used are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted.

All visual content is copyright to its respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us and they will be promptly removed.

Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's owners do not make warranty as to the correctness or reliability of its content. This site is not responsible for content of external internet websites that this blog may inadvertently linked to and is not responsible for the availability of such third-party websites. The content of such third-party websites is beyond our control.

The Believers!