8:03 AM
0
Paano kapag ang pangako ng pagkakaibigan at samahan ng mag-ama ay sinugatan ng pag-ibig? Hahamakin mo ba ang lahat maging ang sariling kapamilya? Hanggang saan ka lalaban sa ngalan ng taong iyong pinakamamahal?


Ngayong Hulyo, isang dekalibreng obra na tiyak tatagos sa inyong mga puso ang magsisimula ngayong Lunes (July 9) sa pagbubukas ng kuwento ng dalawang babaeng susubukin ng pag-ibig ang bigkis ng pagiging magkapatid nang sila ay magmahal sa iisang lalaki sa engrandeng drama handog ng ABS-CBN— ang “Kahit Puso’y Masugatan.”Sa ilalim ng direksyon ng blockbuster director at master storyteller na si Wenn Deramas, mamarkahan ng “Kahit Puso’y Masugatan” ang pinakaunang seryeng gagawin ni Iza Calzado bilang isang ganap na Kapamilya at ang pinakahihintay na pagbabalik telebisyon ng tinaguriang heiress of drama na si Andi Eigenmann.

Dito rin unang makakatambal nina Iza at Andi ang dalawa sa sought after leading man na sina Gabby Concepcion at Jake Cuenca.

Sundan ang kuwento nina Andrea, isang pasensyosa ngunit palabang babae lalo na pagdating sa kanyang mga mahal sa buhay, at ni Veronica, isang babaeng pakiramdam ay marami siyang kakulangan sa buhay kaya naman ganun na lang ang pagpupursige niya makuha lang ang mga inaasam asam, kabilang na ang lalaking kanyang pinakamamahal.Sa kanilang muling pagtatagpo matapos mahabang panahon, masusukat ang tibay ng kanilang pagiging magkapatid nang sila ay parehong nahulog ang loob kay Rafael (Jake), isang gwapo’t matipunong binata.

Mas lalong gugulo ang kanilang mundo nang ang mismong ama ni Rafael na si Miguel (Gabby) ay muling bubuksan ang puso para magmahal muli at iyon ay sa katauhan ni Andrea.Paano ipagpapatuloy nina Andrea at Veronica ang relasyon nila bilang magkapatid? Kaya kayang magparaya ni Andrea para sa kapakanan ng nakababatang kapatid na lubusang nagmamahal kay Rafael? Bibigyan kaya ng pagkakataon ni Rafael na mahalin din si Veronica matapos malaman ang nararamdaman ng ama sa kanyang pinakamamahal na si Andrea? Hahayaan ba ni Miguel na mawasak ang samahan nilang mag-ama para sa babaeng nagturo muli sa kanya kung paano magmahal?

Kasama rin sa cast ng serye ang mga beterano at batikang artistang sina Jacklyn Jose, Malou De Guzman, Mylene Dizon, Assunta De Rossi, Cris Villanueva, DJ Durano, Mickey Ferriols, at Barbara Perez. Huwag na huwag palalampasin ang pinakaengrandeng drama sa primetime ngayong 2012, ang “Kahit Puso’y Masugatan,” ngayong Lunes (July 9) na pagkatapos ng “Lorenzo’s Time” sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Share

0 comments:

Disclaimer

For more information, follow us on Twitter - @KapamilyaOne or like us on Facebook - Team Kapamilya.

All images used are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted.

All visual content is copyright to its respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us and they will be promptly removed.

Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's owners do not make warranty as to the correctness or reliability of its content. This site is not responsible for content of external internet websites that this blog may inadvertently linked to and is not responsible for the availability of such third-party websites. The content of such third-party websites is beyond our control.

The Believers!