11:57 PM
0
Ayon sa mga mining expert, tinatayang nasa P54.5 trilyon ang pwedeng kubrahin ng Pilipinas kung lahat ng mineral na taglay nito tulad ng gold, copper, nickel at chromite ay miminahin. Maaring pambayad na ito sa utang ng bansa kung tutuusin, ngunit ano nga ba ang nagiging kapalit ng panlalapastangang ito sa kalikasan?


Ngayong Sabado (June 16) sa “Failon Ngayon,” tututukan ng batikang brodkaster na si Ted Failon ang epekto ng pagmimina sa bansa at susuriin kung napakikinabangan nga ba ito ng sambayanang Pilipino.

Sa labis na pagmimina, unti-unti nang namamatay ang kalikasan tulad na lang sa CARAGA, ang itinuturing na sentro ng pagmimina, na ngayo’y kalbo na ang kabundukan. Minsan na ring binaha ng putik ang nasabing lugar na ikinamatay ng marami.

Bukod rito, matinding alikabok din ang dala ng ginagawang pagmimina na nagdudulot ng sakit sa baga, sipon, at ubo sa mga residente partikular na sa Claver, Surigao del Norte. Pati ang dagat sa probinsya ay nadamay na rin dahil tila dugo na ang dumadaloy sa karagatan nito bunga ng epekto ng Laterite.

Sa laki ng pinsala na idinudulot ng mga minahan sa ating kapaligiran at kalikasan, malaki naman kaya ang pakinabang dito ng gobyerno?

Napag-alamang dalawang porsyento (2%) lamang pala ang napupunta sa gobyerno sa bawat inilalabas na produktong mineral. Ibig sabihin, sa P100 halaga ng ine-export na mineral, P2 lang ang napupunta sa kaban ng bayan.

Sino ba ang totoong nakikinabang sa kinikita ng mga minahan sa ating bansa? May mga patakaran at alituntunin ba na dapat sundin ang mining companies? Ano ang mga tinig ng mga biktima ng pang-aabuso sa kalikasan?

Tunghayan ang buong kuwento ngayong Sabado (June 16) sa ”Failon Ngayon,” 4:45 PM sa ABS-CBN. Mag-kumento at ipahayag ang inyong saloobin sa official page ng programa sa http://www.facebook.com/failon.ngayon at i-follow ito sa Twitter sa http://www.twitter.com/Failon_Ngayon.

Share

0 comments:

Disclaimer

For more information, follow us on Twitter - @KapamilyaOne or like us on Facebook - Team Kapamilya.

All images used are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted.

All visual content is copyright to its respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us and they will be promptly removed.

Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's owners do not make warranty as to the correctness or reliability of its content. This site is not responsible for content of external internet websites that this blog may inadvertently linked to and is not responsible for the availability of such third-party websites. The content of such third-party websites is beyond our control.

The Believers!