2:32 AM
0
Dadanasin ni Jorge Cariño ang maging isang trabahador na kumikita ng minimum wage para sa “Krusada” kung saan sasabak siya sa paglilinis at pangangalkal ng mga maruruming kanal ng Maynila.


Bukas (Mayo 3), ipapakita ni Jorge kung paano kumakayod ang marami sa ating mga kababayan buong araw para sa kakarampot na sahod. Magiging kaminero o tagalinis ng mga kanal si Jorge ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa ilalim ng sikat ng araw at masasaksihan ang pagkakayod ng mga trabahador sa isang pagawaan ng bakal.

“Hindi biro ang trabahong ito. Mukhang madali ang kanilang ginagawa pero kapag ikaw na ang nakatayo sa kanilang sitwasyon, tibay ng loob at sikmura ang kailangan mong baon,” ani Jorge tungkol sa kanyang karanasan.

Tuklasin kung paano pinagkakasya ng mga manggagawa ang maliit na kita para sa iba’t ibang pangangailangan at bayarin gaya ng tubig, kuryente, pagkain, at pang-matrikula para sa mga anak.

Nakakatanggap ng P426 ang mga manggagawa ng mga pribadong kumpanya kada araw. Hanggang saan nito kailangan dalhin ang isang pamilyang Pilipino?
Dahil ang tunay na paninindigan ay hindi puro salita lamang, manood ng “Krusada,” ang 2012 New York Festivals Bronze World Medalist para sa Social Issues/Current Events category bukas (Mayo 3) pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN o sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), 9:15 p.m.

Share

0 comments:

Disclaimer

For more information, follow us on Twitter - @KapamilyaOne or like us on Facebook - Team Kapamilya.

All images used are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted.

All visual content is copyright to its respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us and they will be promptly removed.

Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's owners do not make warranty as to the correctness or reliability of its content. This site is not responsible for content of external internet websites that this blog may inadvertently linked to and is not responsible for the availability of such third-party websites. The content of such third-party websites is beyond our control.

The Believers!