2:50 AM
0
Bumubuhos ang pag-ibig ngayong Mayo dahil pagkatapos ng ilang linggo ay araw na ng mga ina. Pero tandaan, ipakita natin ang pagmamahal at pasasalamat sa ating mga ina sa lahat ng oras at hindi ngayong buwan lamang.


Sa ating “LUV U” barkada, hindi lang pagmamahal sa magulang ang ipapakita dahil matagal na nilang naimbunyag ang kanilang mga nararamdaman sa isat-isa lalo na sa episode ngayong linggo.

Mahuhuli ni Lola Paula (Joy Viado) na nag-kiss sina Boom (CJ) at April (Angeli). Makakapagbitiw sya ng masasakit na salita at dahil dito, maglalayas si April kasama si Boom papuntang Baguio.

Sa tulong ni Mang Ariel, makakasunod nina Camille (Miles), Whitney (Kiray), JB (Marco) at Rocky (Igi Boy Flores) sakay sa van ni Principal Spencer ngunit sa pagmamadali ay nakalimutan ni Mang Ariel na natutulog sa likod ng van si Principal Spencer.

Masusundan ng barkada sina April at magkikita-kita sila sa Baguio Country Club kung saan ay andun na din si Lola Paula. Paano kaya haharapin ni Boom at April ang mga kaibigan at si Lola Paula? Maaayos kaya nila ang lahat bago mag Mother’s Day?

Tunghayan sa “Luv U” tuwing Linggo, pagkatapos ng “ASAP 2012” sa ABS-CBN. Para sa mga updates, i-follow ang @LUVUBarkada sa Twitter, o i-like ang official Facebook page:http://www.facebook.com/LUVUBarkada

Share

0 comments:

Disclaimer

For more information, follow us on Twitter - @KapamilyaOne or like us on Facebook - Team Kapamilya.

All images used are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted.

All visual content is copyright to its respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us and they will be promptly removed.

Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's owners do not make warranty as to the correctness or reliability of its content. This site is not responsible for content of external internet websites that this blog may inadvertently linked to and is not responsible for the availability of such third-party websites. The content of such third-party websites is beyond our control.

The Believers!