2:29 AM
0
Muli nang nagbukas ang mga puso nina Jake (Jason Abalos) at Janine (Maja Salvador) para sa isa’t isa lalo pa’t nabigyan na ng hustisya ang pagkamatay ni Karla (Ina Feleo).


Tila wala ng balakid sa kanilang pagmamahalan ngunit, hindi pa pala padadaig ang pusong puno ng selos at galit ni Matthew (Patrick Garcia) dahil muli niyang hahadlangan ang pag-iibigang ng dalawa. Para tuluyang mapasakamay si Janine, dudukutin ito ni Matthew at dadalhin sa isang lugar. Dito’y mala-prinsesa niyang ituturing si Janine ngunit sa oras na kumprontahin siya ni Janine na tanging pagkakaibigan lang ang maibibigay niya sa kanya, dito na nagdilim ang paningin ni Matthew at sinabing mas pipiliin niyang mamatay kasama si Janine kaysa mapunta siya sa ibang lalaki. Kaya naman susunugin ni Matthew ang kanilang tinutuluyan.

Tuluyan na kaya silang matupok ng apoy at sa kabilang buhay magsama? Mailigtas kaya ni Jake si Janine sa peligro? Kamatayan na nga ba ang wawakas sa pagmamahalan nila?

 Huwag bibitiw sa huling episode ng ‘‘Precious Hearts Romances presents Lumayo Ka Man Sa Akin,’’ pagkatapos ng “PBB Teen Edition 4 Uber 2012” sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Share

0 comments:

Disclaimer

For more information, follow us on Twitter - @KapamilyaOne or like us on Facebook - Team Kapamilya.

All images used are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted.

All visual content is copyright to its respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us and they will be promptly removed.

Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's owners do not make warranty as to the correctness or reliability of its content. This site is not responsible for content of external internet websites that this blog may inadvertently linked to and is not responsible for the availability of such third-party websites. The content of such third-party websites is beyond our control.

The Believers!