2:34 AM
0
Muling hahataw si Mr. Pure Energy Gary Valenciano sa telebisyon hindi bilang performer kung hindi bilang isa sa mga hurado at mentor ng singing-reality competition na “The X Factor Philippines.”


Kilalang concert performer, endorser, host, at aktor, gagamitin ni Gary ang kanyang 29 taon ng karanasan at kaalaman sa industriya para hanapin ang susunod na singing superstar sa bansa. Sasailaim ang ilang contestants sa pagsasanay mula mismo kay Gary bilang bahagi ng kanyang pagiging isang mentor. Layunin nito na mas lalo mahubog ang kanilang kakayahan at mas mailabas nila ang kanilang ’x factor’ pagsapit ng huling round ng kumpetisyon.

Una ng pinangalanan bilang hurado at mentor ang Concert King na si Martin Nievera. Ang “The X Factor” ay isang worldwide hit franchise na nagsimula sa UK sa pamumuno ng grupo ni Simon Cowell. ABS-CBN ang nakakuha ng ekslusibong rights na i-localize ang programa at si KC Concepcion ang napili nito bilang host. Ipamimigay din nito ang pinakamalaking papremyo sa isang talent search sa kasaysayan ng Philippine TV. Sino pa kaya ang ibang hurado na makakasama ni Gary at Martin?

Abangan sa darating na mga araw ang mga bigating pangalan sa music industry na may mapanuring mata para makita kung sino sa mga sasali ang susunod na singing superstar. Mapapanood ang biggest musical event ng taon na “The X Factor Philippines” malapit na malapit na sa ABS-CBN.

Share

0 comments:

Disclaimer

For more information, follow us on Twitter - @KapamilyaOne or like us on Facebook - Team Kapamilya.

All images used are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted.

All visual content is copyright to its respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us and they will be promptly removed.

Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's owners do not make warranty as to the correctness or reliability of its content. This site is not responsible for content of external internet websites that this blog may inadvertently linked to and is not responsible for the availability of such third-party websites. The content of such third-party websites is beyond our control.

The Believers!