2:49 AM
0
Sa Lunes (May 7) na ang pinakapinananabikang pagsisimula ng fantaseryeng tampok ang kauna-unahang teenage mermaid sa primetime TV, ang "Aryana" na pagbibidahan ng 2008 FAMAS Best Child Actress na si Ella Cruz.


Ayon kay Ella, magkahalong kaba at excitement na ang kanyang nararamdaman sa pagbubukas ng kanilang teleserye na naging trending topic kamakailan sa sikat na website na Yahoo Philippines.

"Magugustuhan po ng viewers ang 'Aryana' dahil bagong kuwento po ito ng well-loved character natin na sirena," sabi ni Ella. "Ngayon po, isang modern teenager ang bida. Normal na tao muna siya bago naging mermaid."

Ani pa ni Ella, buong pamilya raw ang hangad pasayahin ng kanilang fantaserye. "Fit for all ages po ang 'Aryana.' Perfect po siya sa tweens dahil sa ka-age ko sila at maging sa mga bata, adults, at magulang dahil sa mabubuting aral na ibabahagi nito tungkol sa pamilya, pag-ibig at kalikasan," kuwento niya.

Tuklasin sa simula ng "Aryana" kung paano mababago ang takbo ng buhay ng isang ordinaryong teenager sa pagsapit ng kanyang ika-14 na kaarawan, kung kailan nakatakdang maisakatuparan ang sumpang ibinigay sa kaniya--ang pagiging isang serena.

Kasama ni Ella sa "Aryana" ang powerhouse cast na kinabibilangan nina Pokwang, Tonton Gutierrez, Desiree del Valle, Laurice Guillen, Tetchie Agbayani, Giselle Toengi, Rustica Carpio, Lotlot de Leon, Bianca Manalo, Chokoleit, Michelle Vito, David Chua, Boom Labrusca, Marvin Yap, Louise Abuel, at Paul Salas. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Erick Salud at Lino Cayetano.

Ngumiti, kiligin, at umiyak sa pagbubukas ng kuwento ng masayahing teenage mermaid sa magdadagdag saya sa ABS-CBN Primetime Bida, ang “Aryana,” ngayong Lunes (Mayo 7), bago mag-"TV Patrol". Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan and abscbndotcom sa Twitter.

Share

0 comments:

Disclaimer

For more information, follow us on Twitter - @KapamilyaOne or like us on Facebook - Team Kapamilya.

All images used are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted.

All visual content is copyright to its respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us and they will be promptly removed.

Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's owners do not make warranty as to the correctness or reliability of its content. This site is not responsible for content of external internet websites that this blog may inadvertently linked to and is not responsible for the availability of such third-party websites. The content of such third-party websites is beyond our control.

The Believers!