1:46 AM
0
Matapos ang ilang taong hindi paglabas sa iisang proyekto sa pelikula at telebisyon, ang pagbabalik-tambalan nina Richard Gomez at Dawn Zulueta sa top-rating Primetime Bida teleseryeng “Walang Hanggan” ay patunay sa mainit pa ring ang pagtangkilik ng sambayanan at pananabik ng fans sa kanilang love team.


"Pareho kaming nagugulat ni Goma na kinikilig pa rin sila sa amin,” ani Dawn. “Pero nakakatuwa na ganun pa rin ang epekto ng tandem namin sa mga manonood."

Ayon kay Dawn, bagama’t mahabang taon silang hindi nagkausap ni Richard at may kaniya-kaniya na silang pamilya, muling nanumbalik ang pagkakaibigan nila ni Richard dahil sa teleserye.

Tulad ni Richard at Dawn, muli na ring nagkakalapit ang kanilang mga karakter sa “Walang Hanggan” na sina Marco at Emily, ngayong nalalapit na ang pagbubunyag ng tunay na katauhan ni Daniel (Coco Martin). Ano ang magiging epekto ng rebelasyon sa pagkatao ni Daniel sa mga Montenegro? Magbabalik kaya ang pag-iibigan nila Marco at Emily kapag malaman nilang buhay ang kanilang anak?

Huwag palampasin ang gabi-gabing pasabog sa “Walang Hanggan,” pagkatapos ng “Princess and I” sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.walanghanggan.abs-cbn.com, i-like ang http://facebook.com/abs. walanghanggan, o sundan ang @walanghanggan_ sa Twitter.

Share

0 comments:

Disclaimer

For more information, follow us on Twitter - @KapamilyaOne or like us on Facebook - Team Kapamilya.

All images used are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted.

All visual content is copyright to its respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us and they will be promptly removed.

Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's owners do not make warranty as to the correctness or reliability of its content. This site is not responsible for content of external internet websites that this blog may inadvertently linked to and is not responsible for the availability of such third-party websites. The content of such third-party websites is beyond our control.

The Believers!