1:18 AM
0
Patuloy ang “Maalaala Mo Kaya” sa pagiging salamin ng buhay ng mga Pilipino. Bukod sa mga nakakikilig na kuwentong pag-ibig, itinatampok rin sa “MMK” ang ilang napapanahong isyung panlipunan katulad ng mga episode na inere nito kamakailan kaugnay ng samahan ng magkapatid na tomboy at bakla at pagiging batang ina. Ngayong Sabado (Abril 28), ‘annulment’ episode naman ang mapapanood sa longest-running drama anthology sa Asya.

Sa kuwento, bibigyang-buhay ni Dimples Romana ang karakter ng battered wife na si Michelle na nagsampa ng annulment laban sa mapang-abuso niyang asawa. Habang umuusad ang kaso, makikilala niya ang abogadong si David (Ian de Leon) na katulad rin niyang nagmula sa isang malungkot na relasyon, na kalauna’y iibig sa kanya. Sa gitna ng pagtutol ng kani-kanilang mga pamilya, mapatutunayan kaya nila Michelle at David na totoo ang pag-ibig nila sa isa't isa? May buhay pa kaya matapos ang annulment?


Samantala, tiyak na kaabang-abang rin ang "MMK" ngayong Sabado, lalo na sa fans ng Pinoy Big Brother (PBB), dahil tampok rito ang pinakabagong PBB big winner na si Slater Young. Ito ang kauna-unahang pagganap ni Slater sa award-winning drama program ng ABS-CBN.

Kasama nina Ian, Dimples, at Slater sa “MMK” episode sina Lloyd Zaragoza, Madz Nicolas, Soliman Cruz, Kaye Miranda, Charles Christianson, at Alyanna Angeles. Ito ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Matet Balanay, panulat ni Joan Habana, at direksyon ni Nuel Naval.

Huwag palampasin ang isa na namang makabagdamdaming kuwento ngayong Sabado ng gabi sa longest-running drama anthology ng Asya, ang “Maalaala Mo Kaya” (MMK), pagkatapos ng “Wansapanataym.” Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang www.facebook.com/MMKOfficial.

Share

0 comments:

Disclaimer

For more information, follow us on Twitter - @KapamilyaOne or like us on Facebook - Team Kapamilya.

All images used are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted.

All visual content is copyright to its respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us and they will be promptly removed.

Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's owners do not make warranty as to the correctness or reliability of its content. This site is not responsible for content of external internet websites that this blog may inadvertently linked to and is not responsible for the availability of such third-party websites. The content of such third-party websites is beyond our control.

The Believers!