2:59 AM
1
Isang ahensya sa Alabang, Muntinlupa na di umano’y nangingikil at nangloloko sa mga taong naghahanap ng trabaho ang titiktikan ni Julius Babao sa “XXX” ngayong Lunes (Abr 30)


Isang nakarehistrong nars na itatago sa pangalang “Sarah” ang dumulog sa “XXX” upang isumbong ang nasabing opisina na talaga namang nakakapagduda dahil sa paniningil ng “reservation fee,” na ipinagbabawal ng batas, sa mga taong nag-aapply dito.

Ang masama pa rito ay hindi naman talaga napupunta sa inaasahang posisyon ang mga nag-apply kundi nauuwi lang sila sa ibang trabaho na hindi naman akma sa kanilang napag-aralan. Sa kaso ni Sarah ay napasok siya sa pagiging sales representative sa halip na isang company nurse.

Samantala, tututukan naman ni Pinky Webb ang umano’y pangmamaltrato sa mga hayop na ibinibenta sa isang bahagi sa palengke ng Bocaue, Bulacan. Ang mga hayop na ito ay nagsisiksikan sa maduduming kulungan na pati nga ang iba ay sinilid na lang sa mga sako.

Iimbestigahan naman ni Anthony Taberna ang inirereklamong paniningil ng P40 toll fee sa isang subdivision sa Muntinlupa City na ni hindi aabot ng isang kilometro ang haba at ang masaklap pa ay hindi naman talaga parte ang subdivision sa daan.

Tutukan ang buong imbestigasyon sa “XXX” nitong Lunes (Abr 30) pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN

Share

1 comments:

halojin said...

Napanood ko rin kuya isang placement agency na yan.. mabuti na lang at inimbestigahan ni Julius Babao. Thanks for sharing this news information to us :D

Disclaimer

For more information, follow us on Twitter - @KapamilyaOne or like us on Facebook - Team Kapamilya.

All images used are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted.

All visual content is copyright to its respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us and they will be promptly removed.

Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's owners do not make warranty as to the correctness or reliability of its content. This site is not responsible for content of external internet websites that this blog may inadvertently linked to and is not responsible for the availability of such third-party websites. The content of such third-party websites is beyond our control.

The Believers!