11:27 PM
0

Consistent top-rater ang "Wansapanataym" special ni Toni Gonzaga. Ang unang dalawang episodes niya ay kapwa pasok sa top 3 ng overall top programs sa bansa. Batay sa pinakahuling datos ng Kantar Media, nakakuha ng 22.3% na national TV rating ang "Wansapanataym presents Hannah Panahon" samantalang 13.2% lamang ang natamo ng katapat nitong "Spooky Nights Presents Premonisyon" ng GMA.

At ngayong Sabado (Marso 24), panibagong kuwentong kapupulutan ng aral ang tampok sa "Wansapanataym." Sa ‘Amanda’s Da Man’ episode, bibigyang buhay ni Toni ang karakter ni Amanda, isang tunay na lalaking nagngangalang Adam (Rayver Cruz) na pinarusahang maging babae dahil sa kaniyang pagiging babaero. Bilang si Amanda, matututunan na kaya ni Adam na pahalagahan at respetuhin ang mga kababaihan? Makakasama din ni Toni at Rayver sa episode sina Jewel Mische, Marina Benipayo, Veyda Innoval, Charles Christianson, Fred Payawan, Helga Krapf, at Auriette Divina. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Noreen Capili at direksyon ni Malu Sevilla.

Huwag palampasin ang ikatlong karakter ni Toni sa month-long special ng “Wansapanataym” ngayong Sabado, pagkatapos ng “Kapamilya: Deal or No Deal” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @abscbndotcom sa Twitter o i-‘like’ http://www.facebook.com/Wansapanataym.tv.

Share

0 comments:

Disclaimer

For more information, follow us on Twitter - @KapamilyaOne or like us on Facebook - Team Kapamilya.

All images used are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted.

All visual content is copyright to its respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us and they will be promptly removed.

Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's owners do not make warranty as to the correctness or reliability of its content. This site is not responsible for content of external internet websites that this blog may inadvertently linked to and is not responsible for the availability of such third-party websites. The content of such third-party websites is beyond our control.

The Believers!