12:45 AM
0
Mas sasaya ang inyong umaga, mas bobongga ang inyong hapon, at mas sasarap pa ang inyong gabi sa pakikinig sa radyo dahil sa mga bagong programa at bagong DJ sa Tambayan 101.9.


Tambayan DJ na ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Casey at kasama si DJ Charlie na makikipag-kulitan mula 5 am hanggang 9 am. May iba’t ibang topic kada araw at dalawang callers ang magkakaroon ng pagkakataon mag-share ng kanilang pananaw sa isyung pinag-uusapan. Iba’t ibang isyu ang tinatalakay sa programa: pag-ibig, pamilya, trabaho, at iba pa.

Tuloy-tuloy naman ang kasiyahan sa pagsasanib-pwersa ng dalawa sa mga pinaka-kwelang DJ sa radyo, sina DJ Arnold Rei at DJ Jasmin, mula 9 am hanggang 11 am. Handog nila ang mga nakaka-inspire na kwento ng mga ordinaryong taong na naging matagumpay sa buhay.

Solo flight si DJ Jasmin mula 11 am hanggang 1 pm sa kanyang tinatangkilik at award-winning na programang “Dear Jasmin,” kung saan tuloy-tuloy siyang magbibigay ng payong pag-ibig. Susundan siya ni DJ Raki na siya namang bahala sa tugtugan mula ala-una hanggang alas tres ng hapon.

Mas exciting na din ang mga hapon dahil pag labas mula sa klase o trabaho, sina DJ Bea at DJ Ronald Duck naman ang mapapakinggan. M 3 pm hanggang 6 pm, hated nila ang mga kwentong tiyak na makaka-relate ang mga ordinaryong tao.

Samantala, mas kukulit pa ang pakikinig kina DJ Chinaheart at DJ Martin D mula 6 pm hanggang 9 pm dahil may bago sila kasama sa programa, ang makulit at mahilig humirit na si Fiols.

Mapapakinggan pa rin mula 9 pm hanggang 1 am ang reyna ng “mwah-mwah-tsup-tsup” na si DJ Chacha kung saan tuloy ang kanyang pagbibigay payo sa mga callers; habang si Carlo Santino naman ang makakasama ng mga gising pa hanggang alas-singko ng madaling araw. Kabilang na dyan ang mga Pinoy na nasa ibang bansa, na maaring tumawag para bumati at mag-dedicate ng kanta sa kanilang mga mahal sa buhay dito sa ‘Pinas.

Kahit Sabado at Linggo ay hindi rin dapat palampasin dahil may mga bagong programa ring hatid ang Tambayan 101.9, kung saan mabibigyan ng pagkakataong magpasikat ang mga banda, singer, o mga nagnanais na maging DJ. Mapapakinggan din ang tinututukang dating game ni DJ Charlie, ang Usapang Tambayan, tuwing Sabado.

Tunay ngang mas marami nang dahilan kung bakit makikinig sa Tambayan 101.9 sa radyo o sa live streaming sa www.tambayan1019.com.

Share

0 comments:

Disclaimer

For more information, follow us on Twitter - @KapamilyaOne or like us on Facebook - Team Kapamilya.

All images used are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted.

All visual content is copyright to its respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us and they will be promptly removed.

Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's owners do not make warranty as to the correctness or reliability of its content. This site is not responsible for content of external internet websites that this blog may inadvertently linked to and is not responsible for the availability of such third-party websites. The content of such third-party websites is beyond our control.

The Believers!