4:43 AM
0

Jericho Rosales reacts to report he and leading lady Carmen Soo caused director's heart attack

"That would be really unfair to say that. How can other people na wala naman dun say something like it's our fault. It's my fault? Kami nga yung concerned naman kay Manong. Parang napaka-ironic nun, di ba? We're taking care of him. Parang kami pa yung nabi-blame," Jericho Rosales reacts to intrigue that he and Malaysian actress Carmen Soo were the cause of the recent heart attack of director Gilbert Perez.

Nagsalita na si Jericho Rosales sa The Buzz tungkol sa malisyosong tsismis na siya at ang kapareha niyang si Carmen Soo ang itinuturong dahilan ng atake sa puso ng direktor nilang si Gilbert Perez sa teleserye nila sa ABS-CBN. Inatake si Direk Gilbert, o mas kilala sa industriya bilang si Manong Gilbert, nung alas-singko ng umaga last July 1 sa taping ng teleseryeng pinagbibidahan ni Jericho at ng Malaysian actress na si Carmen.

"We're working on a scene involving Carmen at saka ako and Enpoy. I was waiting outside and bigla na lang pagpasok ko sa door, biglang inatake si Manong Gilbert. Nahulog siya sa table," kuwento ni Jericho.

Ilang oras daw bago ang atake ng direktor, napansin na raw ni Jericho ang madalas nitong paghagod sa kanyang didbib hanggang sa ikinagulat ng lahat sa set nang bigla itong natumba. Mismong ang mga bida sa teleserye ang sumaklolo sa direktor at isinugod siya sa St. Luke's Medical Center.

"Binantayan namin siya sa ospital," sabi ni Jericho. "We never let go of him. We just kept on praying for him. Hindi ko alam na may record siya ng ganun. Everyone was really shocked."

Sa gitna nito, sina Jericho at Carmen pa ang itsinismis na dahilan ng atake ni Manong Gilbert.

"That would be really unfair to say that. How can other people na wala naman dun say something like it's our fault. It's my fault? Kami nga yung concerned naman kay Manong. Parang napaka-ironic nun, di ba? We're taking care of him. Parang kami pa yung nabi-blame," pahayag ni Jericho.

Imposible rin daw na nagkaroon si Manong Gilbert ng problema sa Malaysian actress dahil unang-una, alam niya na wala siya sa kanyang sariling bansa. Kaya ginagawa raw nito lahat para maging mabait sa set at sa lahat ng mga katrabaho.

"She was crying that day. She was really crying," malungkot na pahayag ni Jericho.

Ang latest, naging matagumpay raw ang angiogram medical procedure kay Direk Gilbert. Kasalukuyan pa rin siyang nasa coronary care unit ng St. Luke's Medical Center habang nagpapagaling.

SOURCE: PEP.PH

0 comments:

Disclaimer

For more information, follow us on Twitter - @KapamilyaOne or like us on Facebook - Team Kapamilya.

All images used are sourced from the internet and are in the public domain. We claim no credit for any images or videos featured on this site unless otherwise noted.

All visual content is copyright to its respectful owners. If you own rights to any of the images or videos, and do not wish them to appear on this site, please contact us and they will be promptly removed.

Information on this site may contain errors or inaccuracies; the site's owners do not make warranty as to the correctness or reliability of its content. This site is not responsible for content of external internet websites that this blog may inadvertently linked to and is not responsible for the availability of such third-party websites. The content of such third-party websites is beyond our control.

The Believers!